IPINAG-UTOS NI PANGULONG NOYNOY AQUINO SA MMDA AT DPWH ANG MASUSING PAGSUSURI SA MGA PAMPUBLIKO AT PRIBADONG GUSALI AT IBA PANG INFRASTRUCTURES SA METRO MANILA.
GINAWA NG PANGULO ANG HAKBANGIN KASUNOD NG MALAKAS NA LINDOL SA EASTERN SAMAR NITONG SABADO NA IKINAWASAK NG MAHIGIT 80 BAHAY.
SINABI NI PRES'L SPOKESPERSON EDWIN LACIERDA NA DAPAT TIYAKIN NG MMDA AT DPWH NA IPINATUTUPAD ANG NATIONAL BUILDING CODE SA MGA MATAONG LUGAR SA METRO MANILA.
AYON KAY LACIERDA, AALAMIN NG PALASYO KINA MMDA CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO AT DPWH SEC. ROGELIO SINGSON KUNG HANDA NA NASUSUNOD ANG MGA PATAKARAN SA PAGTATAYO NG MGA GUSALI AT IBA PANG ISTRUKTURA SA BANSA.
IGINIIT NAMAN NI DEPUTY PRES'L SPOKESPERSON ABIGAIL VALTE NA HINDI NAGPAPABAYA ANG GUBYERNO SA PAGBIBIGAY BABALA SA PUBLIKO NA MAGING HANDA SA LINDOL.
SINABI NI VALTE NA KAILANGANG MAGSAGAWA NG EARTHQUAKE DRILLS SA MGA TANGGAPAN NG GUBYERNO AT MAGING SA PAARALAN UPANG MATUTO ANG MGA TAO NA UMAKTO SA PANAHON NG KALAMIDAD.
NANINIWALA SI VALTE NA ANG DAPAT MAG-UMPISA ANG PAGHAHANDA SA BAWAT PAMILYA PARA MATIYAK ANG KALIGTASAN NG KANILANG BAHAY. (Florante Rosales)
No comments:
Post a Comment
Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.