MARIING KINONDENA NG PALASYO NG MALAKANYANG ANG PAGPAPASABOG NG GRANADA SA DAVAO CITY NITONG SABADO.
ITOY KUNG NEW PEOPLE'S ARMY ANG NASA LIKURAN NG NASABING INSIDENTE NA IKINASUGAT NA MAHIGIT 40 KATAO.
SA PRESS BRIEFING DITO SA PALASYO, SINABI NI LACIERDA NA HINDI KINOKONSENTE NG MALAKANYANG ANG PAGHAHASIK NG KARAHASAN NG NPA LABAN SA MGA INOSENTENG SIBILYAN.
DAHIL DITO, HINILING NG PALASYO NA MAGBIGAY ANG AFP NG KOMPREHENSIBONG REPORT MATAPOS AKUSAHAN ANG NPA NA MAY KAGAGAWAN NITO.
ITINAON UMANO ANG NASABING PANGYAYARI SA PAGDIRIWANG NG NATIONAL PEACE CONSCIOUSNESS MONTH..
NILINAW NAMAN NI LACIERDA NA WALANG GAANONG EPEKTO ANG PAMBOBOMBANG ITO SA ISINUSULONG NA PEACE TALKS SA GRUPO NG NATIONAL DEMOCRATIC FRONT. (FLORANTE ROSALES)
No comments:
Post a Comment
Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.