BINALAAN NG CHINA ANG
ASSOCIATION OF SOUTHEAST NATIONS (ASEAN) NA WAG NANG PALAKIHIN PA ANG USAPIN SA
SOUTH CHINA SEA.
KASABAY NITO, TUTOL ANG CHINA
SA GINAWANG PAGTALAKAY NG ASEAN SA TENSIYON SA MGA PINAG-AAGAWANG TERITORYO SA
SOUTH CHINA SEA SA IDINAOS NA REGIONAL SECURITY FORUM.
IGINIIT NG CHINA NA ANG USAPIN
TUNGKOL SA SOUTH CHINA SEA AY HINDI DAW ISYU NG CHINA AT ASEAN NGUNIT ITO AY
ISYU LAMANG NG CHINA SA ILANG MIYEMBRO NG ASEAN.
AYON KAY FOREIGN MINISTRY
SPOKESMAN LIU WEIMIN, ANG PAGPAPALAKI SA USAPIN NG SOUTH CHINA SEA AY LABAG SA
UMANOY ADHIKAIN NG MAMAMAYAN AT SA PANAHONG ITO NA ANG LAYUNIN AY PAG-IBAYUHIN
PA ANG PAGPAPAUNLAD AT KOOPERASYON SA MGA BANSANG MIYIEMBRO NG ASEAN.
GAYUNMAN, NAGPAHIWATIG NAMAN NG KAHANDAAN ANG CHINA NA TALAKAYIN SA ASEAN
ANG IMPLEMENTASYON NG CODE OF CONDUCT SA SOUTH CHINA SEA.
No comments:
Post a Comment
Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.