DZRH Live on TV!

To enlarge the video window, right click on the image, left click ZOOM, then click on FULL SCREEN. For the audio signal only, click here
.

Citizen Journalism

DZRH opens the net to all who are willing to share in the dissemination of news from anywhere they are. You can post your news by email, using dzrhnews@gmail.com, and you may even send photos and video. Here's the link to start being the free journalist that we should all be.


Saturday, October 20, 2012

Fw: BALITA: Independent na imbestigasyon sa masaker ng mag-iinang B’laan, hiniling

Sent from my BlackBerry® powered by Sun Cellular

From: Hustisya Media <hustisya.media@gmail.com>
Date: Fri, 19 Oct 2012 01:44:00 -0700
Subject: BALITA: Independent na imbestigasyon sa masaker ng mag-iinang B'laan, hiniling




BALITA

October 19, 2012

 

 

Sanggunian: Cristina Guevarra, Hustisya secretary general, 0949-1772928

 

 

Independent na imbestigasyon sa masaker ng mag-iinang B'laan, hiniling

 

Nanawagan ang grupong Hustisya ng kagyat na independent na imbestigasyon sa masaker ng isang babaeng B'laan at kanyang dalawang anak sa Tampakan, South Cotabato ng mga hinihinalang elemento ng 27th Infantry Batallion ng Armed Forces of the Philippines (AFP).  

 

"Nakikiisa kami sa panawagan ng hustisya para kay Juvy Capion, at kanyang mga anak na sina Pop at John. Umaasa kaming magkakaisa ang buong tribong B'laan para igiit ang hustisya at huwag matakot sa anumang tangkang patahimikin sila ng mga maysala," sinabi ni Cristina Guevarra, secretary general ng Hustisya.

 

Ang B'laan ay isang grupo ng katutubo sa South Cotabato, na tumututol sa pagpasok ng pagmimina ng Xstrata-Sagitarrius Mines Inc., sa kanilang lupaing ninuno.  Ang Xstrata-Sagitarrius Mines Inc. ay pagmamay-ari ng Xstrata Copper na nakabase sa Australia, Target ang erya ng mga B'laan ng pagmimina ng ginto at tanso.

 

Ayon sa Hustisya, dapat kondenahin ang paghuhugas-kamay ng militar sa naganap na masaker. 

 

"Nakagagalit ang paghuhugas kamay ng militar sa insidente at pinapalabas pa nilang engkwentro ang naganap. Kailangang managot ang mga kumander ng yunit ng militar na sangkot dito," ani Guevarra. 

 

Giit ng grupo, kailangang magkaroon ng kagyat, hiwalay at masusing imbestigasyon dahil marami na sa mga kaso ng pagpaslang at masaker ang pinagtatakpan ng militar sa pagsasabing ito ay engkwentro o "crossfire."

 

Kinondena din ng grupo ang patuloy na operasyong militar sa lugar ng mga katutubo.

 

"Malinaw kung para kanino ang ginagawang operasyon ng mga militar. Ito'y hindi para protektahan ang mga katutubo kundi para patahimikin sila sa kanilang paglaban sa dayuhang pagmimina. Ang mga dayuhang kumpanyang sumisira ng ating kalikasan at nagpapalayas sa ating mga katutubo ang pinoprotektahan ng mga sundalo sa basbas ng gobyerno," paliwanag ni Guevarra.  

 

Sa ilalim ng gobyernong Aquino, mayroon nang 28 katutubo ang pinaslang. Kalakhan ng mga biktima ay aktibong nangunguna o sumusuporta sa mga kampanya kontra sa mapaminsalang pagmimina sa kanilang mga lupang ninuno. ###

 



--

 

HUSTISYA (Victims United for Justice)

2/F Erythrina Bldg., #1 Maaralin cor. Matatag Sts. Brgy. Central, Quezon City 1100 Philippines

Telefax: (632) 434-2837 | E-mail: hustisya.media@gmail.com


No comments:

Post a Comment

Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.

Advertise on this site