NILINAW NG MALAKANYANG NA HINDI GALING SI PANGULONG NOYNOY AQUINO SA GIMMICK O LAMYERDA NANG MASINGITAN ANG KANYANG CONVOY SA MAY NAGTAHAN BRIDGE MANILA.
AYON KAY PRES'L SPOKESMAN SEC. EDWIN LACIERDA, HALOS HATINGGABI NA NG MAKAALIS SI PRESIDENTE SA PALASYO DAHIL SA DAMI NG TRABAHO NITO AT PABALIK NA SIYA SA BAHAY PANGARAP NG NANG MANGYARI ANG INSIDENTE.
KINILALA NI SEC. LACIERDA ANG SUMINGIT SA CONVOY NG PANGULO NA SI MARK HANOPOL, 24 TAONG GULANG AT ISANG MEDICAL REPRESENTATIVE NA BINASAHAN NA NG DEMANDA SA PISKALYA NG MAYNILA.
SAMANTALA, SA TEXT MESSAGE NI LACIERDA SA MALACANANG PRESS CORPS, KINUMPIRMA NA NITO ANG DINNER NI PANG. AQUINO SA MGA SENADOR.
SINABI NI LACIERDA NA "PURELY SOCIAL EVENT" ANG HAPUNAN SA PALASYO AT WALANG KINALAMAN SA BALAK NA KUDETA KAY SEN. ENRILE.
AYON KAY LACIERDA, HINDI LANG NAKASALO NG PANGULO SA DINNER SINA SENADORA MIRRIAM DEFENSOR-SANTIAGO, SEN. BONGBONG MARCOS AT SEN. JOKER ARROYO NA KUMONTRA SA PAGPAPATALSIK KAY DATING SUPREME COURT CHIEF JUSTICE RENATO CORONA.
No comments:
Post a Comment
Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.