Sent from my BlackBerry® powered by Sun Cellular
From: FLORANTE ROSALES <dzrh21@yahoo.com>
Date: Fri, 26 Oct 2012 00:58:21 -0700 (PDT)
To: f.rosales@mbcradio.net<f.rosales@mbcradio.net>; prquintos@yahoo.com<prquintos@yahoo.com>; Michael Joe Delizo<mjdelizo@yahoo.com>
ReplyTo: FLORANTE ROSALES <dzrh21@yahoo.com>
Subject: palace story 3
FLORANTE//////OCT262012
MULING dumepensa ang Palasyo ng Malakanyang sa pagbatikos ng ilang kritiko sa malaking gingastos ng Pangulong Aquino sa mga byahe nito sa abroad.
Ito'y matapos punahin ni Kontra-Daya convenor Fr. Joe Dizon na taliwas sa policy ng Pangulong Aquino na pagtitipid sa pondo ng gubyerno ang paglustay ng 44-M pesos sa biyahe ng kanyang delegasyon sa New Zealand at Australia.
Sinabi ni Sec. Lacierda na hindi makatwiran ang pagbatikos ni Fr. Dizon dahil malaki naman ang inuuwing investments at iba pang pakinabang sa ekonomiya at depensa mula sa mga bansang dinalaw ng Pangulo.
Si Pangulong Aquino ay nagsagawa ng state visit sa New Zealand at Australia simula October 22 hanggang October 26 na kung saan naging mabunga ang kanyang mga biyahe dahil sa ipinangakong investments ng mga negosyante sa dalawang bansa.
Nakatakdang dumating si Pangulong Aquino dito sa bansa ganap ngayong gabi mula sa Sydney Australia, lulan ng Presidential Plane PAL PR 001.
FLORANTE ROSALES
REPORTER/ANCHORMAN
DZRH-MBC
REPORTER/ANCHORMAN
DZRH-MBC
No comments:
Post a Comment
Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.