HANDA ANG PALASYO NG MALAKANYANG NA PAGPALIWANAGIN SA SENADO ANG MGA MIYEMBRO NG KANYANG GABINETE PARA IPAGTANGGOL ANG ISINUSULONG NA SIN TAX REFORM BILL.
GINAWA NI PANGULONG NOYNOY AQUINO ANG PAHAYAG MATAPOS IMBITAHAN NG SENADO ANG MGA OPISYAL NG PALASYO KAUGNAY NG SUHULAN DAW SA WATERDOWN VERSION NG PANUKALA.
SINABI NI PANGULONG AQUINO NA PUPUNTA NG SENADO MAMAYANG ALAS-TRES NG HAPON SINA FINANCE SEC. CESAR PURISIMA, HEALTH SEC. ENRIQUE ONA AT BIR COMM. KIM HENARES PARA IGIIT SA MGA SENADOR ANG POSISYON NG PALASYO HINGGIL SA PAGTATAAS NG BUWIS SA ALAK AT YOSI.
HINAMON NAMAN NI PANGULONG AQUINO ANG MGA RE-ELECTIONISTANG SENADOR NA SUPORTAHAN ANG PANUKALA DAHIL TIYAK NA SILA ANG HUHUSGAHAN NG TAUMBAYAN SA 2013 ELECTION SAKALING HINDI ITO MAIPASA.
IGINIIT NG PANGULO NA DETERMINADO ANG KANYANG PAMAHALAAN NA ISULONG ANG MGA PROGRAMANG PANGKALUSUGAN AT PAG-IWAS SA BISYO NG MGA MAMAMAYAN.
NANINIWALA SI PNOY NA MAY SAPAT PANG PANAHON ANG SENADO PARA PLANTSAHIN ANG MGA DETALYE NG SIN TAX BILL AT MAKABUO NG ISANG BERSYON NA KATANGGAP-TANGGAP SA LAHAT.
FLORANTE ROSALES
REPORTER/ANCHORMAN
DZRH-MBC
REPORTER/ANCHORMAN
DZRH-MBC
No comments:
Post a Comment
Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.