IPINAGTANGGOL NG PALASYO NG MALACANANG SI FINANCE SEC. CESAR PURISIMA SA AKUSASYON NI SEN. RALPH RECTO NA NAAREGLO SIYA NG SAN MIGUEL CORP.
GINAWA NI PRES'L SPOKESMAN SEC. EDWIN LACIERDA ANG PAHAYAG MATAPOS HUMINGI NG PAUMANHIN SI SEC. PURISIMA SA MGA SENADOR DAHIL MISQUTED LANG ANG KALIHIM SA LUMABAS NA AKUSASYON KAY SEN. RALPH RECTO.
REAKSYON ITO NG PALASYO NANG PALUTANGIN NI SEN. RECTO ANG BANSAG NA "PURISIMA-SAN MIGUEL" DAHIL KINATIGAN ANG MAS MABABANG BUWIS SA ALAK.
ITINANGGI NI LACIERDA NA MISMONG SA PALASYO NAGMULA ANG NAME-CALLING O PANINIRA SA KAPWA OPISYAL NG PAMAHALAAN.
SINABI NI LACIERDA NA POSIBLENG NANGGALING ANG NAME-CALLING SA MGA HEALTH ADVOCATES NA BUMABANAT SA WATERDOWN VERSION NG PANUKALA.
AYON KAY SEC. LACIERDA, MAS MABUTING DAANIN SA DEBATE ANG ISYU SA SIN TAX REFORM BILL SA HALIP NA MAUWI SA NAME CALLING.
NAUNA RITO, TINAWAG NAMAN NA "RECTO-MORRIS" ANG NAGBITIW NA CHAIRMAN NG SENATE COMMITEE ONWAYS AND MEANS DAHIL SA WATERDOWN VERSION NG BUWIS SA SIGARILYO.
FLORANTE ROSALES
REPORTER/ANCHORMAN
DZRH-MBC
REPORTER/ANCHORMAN
DZRH-MBC
No comments:
Post a Comment
Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.