NANGANGAPA umano si presidential spokesperson edwin lacierda sa pagpapaliwanag hinggil sa pagtatalaga ni Pangulong Noynoy Aquino kay dating PNP general arturo cacdac.. bilang bagong pinuno ng philippine drug enforcement agency.. kapalit ni jose guitierez..
Naggisa ng mga media si Lacierda nang hindi nito naabisuhan ang mga ito sa panunumpa sa tungkulin ni Cacdac nitong martes...
Paliwanag ni Lacierda na abala raw siya sa mga pulong sa palasyo at hindi nakakuha agad ng detalye sa tanggapan ni Exec. Sec. Jojo Ochoa na nagpanumpa kay Cacdac dakong alas tres ng hapon nitong martes.
Iginiit ni Lacierda na paminsan-minsan lang siya nahuhuli sa impormasyon kaya gagawa siya ng paraan upang mauna ang mga media sa palasyo ....
Mahigpit naman ang marching orders ni Pangulong Aquino kay cacdac na pagibayuhin ang kampanya labang sa illegal drugs sa Pilipinas.
FLORANTE ROSALES
REPORTER/ANCHORMAN
DZRH-MBC
REPORTER/ANCHORMAN
DZRH-MBC
No comments:
Post a Comment
Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.