DUMISTANSYA SI PANG. NOYNOY AQUINO SA KONTROBERSYAL NA ISYU NG FREEDOM OF INFORMATION BILL.
GINAWA NI PANG. AQUINO ANG PAHAYAG SA GINTA NG PAGKUKUMAHOG NI CONG. ERIN TANADA NA MAAPRUBAHAN SA KAMARA ANG KANYANG PET BILL NA NASA COMMITTEE LEVEL PA LANG.
SINABI NI PANGULONG AQUINO NA IPAUUBAYA NIYA SA MGA KONGRESISTA ANG PAG-USAD NG PANUKLANG BATAS DAHIL AYAW NAMAN NIYANG TAWAGIN SIYANG DIKTADOR KUNG PUPUWERSAHIN SILANG PAGTIBAYIN ITO.
INAASAHAN NG PANGULO NA MAILALABAS ANG COMMITTEE REPORT SA NOVEMBER 13...SUBALIT AYON KAY CONG. ERIN TANADA, NAKATAKDA PA LANG ITONG ISALANG SA SECOND HEARING SA NASABING PETSA.
NANG TANUNGIN ANG PANGULO KUNG MAAAPRUBAHAN NG KONGRESO ANG FOI BAGO ANG SINE ADJOURMENT SA HUNYO, SINABI NI PNOY NA HINDI NIYA MALAMAN KUNG ANO ANG ISASAGOT DAHIL BAKA AKUSAHAN DAW SIYANG DIKTADOR KUNG TUTURUAN ANG KONGRESO KUNG ANO ANG GAGAWIN NILA AT KUNG HINDI NAMAN SIYA MAGSASALITA AY SASABIHING HINDI SIYA INTERESADO SA FOI BILL.
FLORANTE ROSALES
REPORTER/ANCHORMAN
DZRH-MBC
REPORTER/ANCHORMAN
DZRH-MBC
No comments:
Post a Comment
Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.