AYON KAY PRES'L SPOKESMAN EDWIN LACIERDA, HINDI PWEDENG DIKTAHAN NG PALASYO ANG COMELEC NA ISANG INDEPENDENT BODY KAYA IPINAUUBAYA NA LANG NILA ITO SA DESISYON NG KUMISYON.
KATIG NAMAN ANG PALASYO NA SURIING MABUTI ANG MGA PARTYLIST GROUP KUNG TUMUTUGON SILA SA BAAS AT KUNG TOTOONG KINAKATAWAN ANG MGA MALILIIT NA SEKTOR NG LIPUNAN.
GINAWA NI SEC. LACIERDA ANG PAHAYAG MATAPOS HIRITIN NG MGA MILITANTENG GRUPO NA I-DISQUALIFY ANG AKBAYAN PARTYLIST NA KINABIBILINGAN NINA PRESIDENTIAL ADVISER ON POLITICAL AFFAIRS RONALD LLAMAS AT SENATORIAL BET RIZZA HONTEVEROS, GAYUNDIN ANG BLACK AND WHITE MOVEMENT NINA DSWD SEC. DINKY SOLIMAN AT ANWARAY NI CONG. BEM NOEL NA KILALANG MALAPIT KAY PANGULONG AQUINO.
No comments:
Post a Comment
Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.