Sent from my BlackBerry® powered by Sun Cellular
From: FLORANTE ROSALES <dzrh21@yahoo.com>
Date: Tue, 30 Oct 2012 00:11:07 -0700 (PDT)
To: REGINALD ESPIRITU<arinaespiritu@yahoo.com>; Shem Delos Santos<shemjaphetdelossantos@yahoo.com>; f.rosales@mbcradio.net<f.rosales@mbcradio.net>; prquintos@yahoo.com<prquintos@yahoo.com>; Michael Joe Delizo<mjdelizo@yahoo.com>
ReplyTo: FLORANTE ROSALES <dzrh21@yahoo.com>
Subject: PNoy muling nagpatutsada kay CGMA!
FLORANTE/////OCT292012
MULING PINATUTSADAHAN NG PANGULONG NOYNOY AQUINO ANG DATING ADMINISTRASYONG ARROYO SA PAGDIRIWANG NG IKA-LABINLIMANG TAON NG INDIGENOUS PEOPLES RIGHT ACT O IPRA SA GSIS BUILDING, PASAY CITY KANINA .
SA SPEECH NG PANGULO SA HARAP NG MGA KATUTUBO, TINIYAK NITO NA TAPOS NA ANIYA ANG PANAHON NG MGA MIDNIGHT APPOINTEE SA GOBYERNO GAYA NOONG NAKARAANG ARROYO ADMINISTRATION.
SINABI NG PANGULONG AQUINO, HINDI NA DAW MAGAGAMIT ANG NATIONAL COMMISSION FOR INDIGENOUS PEOPLE O NCIP PARA IUPO ANG MGA PADRINO, IMBES NA MGA TUNAY NA KINATAWAN NG MGA KATUTUBO .
ANG NCIP AY BINUO PARA IPATUPAD ANG REPUBLIC ACT 8371 O INDIGENOUS PEOPLES RIGHT ACT OF 1997 AT NGAYO'Y INILIPAT NA SA ILALIM NG OFFICE OF THE PRESIDENT MULA SA DEPT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES O DENR .
IPINAGTANGGOL DIN NG PANGULO ANG MABAGAL NA PAMAMAHAGI NG PAMAHALAAN NG MGA ANCESTRAL DOMAIN TITLE SA MGA KATUTUBO .
MASUSI UMANONG KINIKILATIS NG PAMAHALAAN ANG BAWAT TITULO BAGO NILA IPAMAHAGI PARA MATIYAK NA MAKIKINABANG ANG TOTOONG MGA BENEPISYARYO.
SA NATURANG OKASYON, GINAWARAN NG N-C-I-P NG POSTHUMOUS AWARD SI DATING PANGULONG CORAZON AQUINO DAHIL SA PAGTATAGUYOD NOON SA KARAPATAN NG MGA KATUTUBO .
TINANGGAP NI PRESIDENTIAL SISTER VIEL AQUINO-DEE ANG PARANGAL SA KANYANG INA, NA PERSONAL NA INABOT NG KAPATID NA SI PANGULONG AQUINO .
BUKOD KAY DATING PANGULONG CORY, PINARANGALAN DIN ANG IBA PANG MGA IPRA ADVOCATES TULAD NINA DATING SEN. JUAN FLAVIER AT DATING AMB HOWARD DEE .
IPINAMAHAGI RIN NG PANGULO ANG LABINTATLONG CERTIFICATE OF ANCESTRAL DOMAIN TITLE SA MGA KATUTUBO AT TATLONG SCHOLARSHIP GRANT SA MGA ANAK NG MGA KATUTUBONG PILIPINO .
FLORANTE ROSALES
REPORTER/ANCHORMAN
DZRH-MBC
REPORTER/ANCHORMAN
DZRH-MBC
No comments:
Post a Comment
Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.