Sent from my BlackBerry® powered by Sun Cellular
From: FLORANTE ROSALES <dzrh21@yahoo.com>
Date: Fri, 26 Oct 2012 01:00:21 -0700 (PDT)
To: f.rosales@mbcradio.net<f.rosales@mbcradio.net>; prquintos@yahoo.com<prquintos@yahoo.com>; Michael Joe Delizo<mjdelizo@yahoo.com>
ReplyTo: FLORANTE ROSALES <dzrh21@yahoo.com>
Subject: palace story 5
Florante//////Oct232012
HINDI na pupuwersahin ni Pangulong Noynoy Aquino si PNP Chief Dir. Gen. Nick Bartolome na magbitiw sa pwesto bago ang pagreretiro niya sa Marso 16, 2013.
Ayon kay Presidential Spokesman Sec. Edwin Lacierda, hahanap na lang si Pang. Aquino ng itatalagang PNP chief sa sandaling magretiro si Bartolome.
Ikinatwiran ni Lacierda na mismong si Gen. Bartolome ang tumanggi sa alok ng Pangulo.
Pinagbigyan umano ng Pangulo ang hiling ni Bartolome na magretiro sa Marso para makuha ang buong benepisyo sa PNP.
Kinumpirma ni Lacierda na may hawak ng shortlist ang DILG sa susunod na PNP chief na irerekumenda kay Pang. Aquino kahit limang buwan pa bago magretiro si Bartolome.
Nauna rito, pinipilit ni Pang. Aquino si Bartolome na magbitiw ng mas maaga sa pwesto para maitalaga bilang Undersecretary ng DILG at makapili siya ng papalit na PNP chief bago ang election ban sa susunod na taon.
FLORANTE ROSALES
REPORTER/ANCHORMAN
DZRH-MBC
REPORTER/ANCHORMAN
DZRH-MBC
No comments:
Post a Comment
Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.