DZRH Live on TV!

To enlarge the video window, right click on the image, left click ZOOM, then click on FULL SCREEN. For the audio signal only, click here
.

Citizen Journalism

DZRH opens the net to all who are willing to share in the dissemination of news from anywhere they are. You can post your news by email, using dzrhnews@gmail.com, and you may even send photos and video. Here's the link to start being the free journalist that we should all be.


Saturday, September 29, 2012

Palasyo, di pakikialaman ang gimik ng mga kandidato sa filing ng COCs!

AYAW ng panghimasukan ng palasyo ng malakanyang ang gagawing gimik ng mga pulitiko na nakatakdang magharap ng certificate of candicay sa lunes.
Ito'y sa gitna ng apela ng Comelec na iwasan na ang mga "cheap" na paggamit ng mga banda, artista at iba pang gimik na nagpapagulo lang sa filing ng COCs sa kanilang mga opisina.

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, ipinauubaya na ng palasyo sa Liberal party, Nacionalista Party at iba pang partido ang diskarte sa paghaharap ng certificate of candidacy sa Comelec.
Sinabi ni Valte na bahala na ang LP kung tutugon sila sa panawagan ng Comelec na iwasana ng gimik sa lunes.
Samantala, hindi pa matiyak ni Valte kung bukas o sa linggo na mai-aanunsyo ni Pangulong Aquino ang kumpletong listahan ng magic 12 senatorial slate ng adminsitrasyon dahil kulang pa ito ng isang kandidato.
Sa kabilang dako, nakipag-pulong ngayon hapon kay Pangulong Aquino si dating senadora Jamby Madrigal na kasama sa senatorial bet ng LP. (FLORANTE ROSALES)

No comments:

Post a Comment

Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.

Advertise on this site