BINALEWALA NG PALASYO NG MALAKANYANG ANG TRAVEL ADVISORIES NG U-S, U-K AT AUSTRALIA SA KANILANG MGA KABABAYAN NA NASA PILIPINAS AT MAGBIBIYAHE SA BANSA.
GINAWA NG PALASYO ANG PAHAYAG MATAPOS MAG-ISYU NG EMERGENCY TRAVEL WARNING ANG AMERIKA DAHIL SA BANTA UMANO AS BUHAY NG MGA AMERIKANO DULOT NG GALIT NG MGA MUSLIM SA INILABAS NA DOCUMENTARY NA "INNOCENCE OF MUSLIMS."
SINABI NI DEPUTY PRES'L SPOKESPERSON ABIGAIL VALTE NA KARAPATAN NG MGA BANSANG ITO NA BIGYANG BABALA ANG KANILANG MGA MAMAMAYAN KAHIT SAAN MAN SILANG PANIG NG MUNDO.
GAYUNMAN, HINDI UMANO NAGPAPABAYA ANG PAMAHALAAN SA GANITONG WARNINGS NG IBANG BANSA DAHIL PINAGBIGYAN NAMAN ANG KANILANG REQUEST NA MAGPA-IGTING NG SEGURIDAD.
ALAM NAMAN ANIYA NG MGA AWTORIDAD ANG KANILANG GAGAWIN SA SANDALING MAY GANITONG URI NG TRAVEL ADVISORIES ANG IBANG BANSA.
No comments:
Post a Comment
Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.