SA halip na magdalawang-isip o pag-aaralan, ipinagtanggol pa ng palasyo ng malakanyang ang isinusulong ni DOH sec. Enrique Ona na corporatization ng 26 na gov't hospital sa bansa. Ayon kay Usec. Abigail Valte, deputy pres'l spokesperson, layunin daw ng hakbanging ito na mapagkalooban ng mas abot kaya at epektibong serbisyo ang mga mahihirap na pasyente. Bahala na umano ang Philhealth na sagutin ang pagpapagamot ng mga mahihirap na pasyente. Ayon pa kay Valte, iniiwasan nyang gamitin ang katagang "privatization" dahil parang ibebenta na ang buong ospital. Mas tama raw tawaging corporatization dahil tutulong ang private sector sa pagiging maayos ng serbisyo sa mga government hospitals. Sa pamamagitan anya ng planong ito, sinabi pa ni Valte na nilalayong mabigyan ng mahusay na serbisyo ang mas nakararaming mahihirap na pilipino. "Ang hinahabol po kasi natin is really to provide the better services for the patients that come into government hospitals," ayon pa kay Valte. Nauna rito, inaprubahan na ng Kamara ang nasabing panukalang batas kahit isang beses pa lang itong isinalang sa committee level. #30#
Sent from my BlackBerry® powered by Sun Cellular
DZRH Live on TV!
To enlarge the video window, right click on the image, left click ZOOM, then click on FULL SCREEN. For the audio signal only, click here
.
.
Citizen Journalism
DZRH opens the net to all who are willing to share in the dissemination of news from anywhere they are. You can post your news by email, using dzrhnews@gmail.com, and you may even send photos and video. Here's the link to start being the free journalist that we should all be.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment
Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.