DZRH Live on TV!

To enlarge the video window, right click on the image, left click ZOOM, then click on FULL SCREEN. For the audio signal only, click here
.

Citizen Journalism

DZRH opens the net to all who are willing to share in the dissemination of news from anywhere they are. You can post your news by email, using dzrhnews@gmail.com, and you may even send photos and video. Here's the link to start being the free journalist that we should all be.


Tuesday, November 13, 2012

MGA KAWANI MAGSASAGAWA NG HUMAN CHAIN SA ELLIPTICAL SA QUEZON CITY

Bilang protesta sa diumano'y ginagawang pambubusabos sa kanila ng Administrasyong Aquino, nakatakdang magsagawa ng human chain sa Elliptical Road Lungsod ng Quezon ang daan-daang mga kawaning mula sa iba't-ibang tanggapan ng pamahalaan ngayong tanghali.
Pangungunahan ng grupong COURAGE, pambansang organisasyon ng mga kawani ng pamahalaan ang protesta na magsisimula sa pagtitipun-tipon sa harapan ng mga tanggapan ng National Housing Authority, Philippine Coconut Authority, Department of Agrarian Reform at Department of Agriculture bago tumawid sa gitna ng kalsada patungong harapan ng Quezon Memorial Circle at duon ay magkapit-bisig at palibutan ito.
Ayon kay Ferdinand Gaite, itinuturing na kaaway ng mga kawani ang administrasyong Aquino dahil sa mga ginagawa nitong pagsuspinde at pagtanggal sa mga benepisyong gaya ng subsistence allowance, food basket, rice allowance, pagkakait ng 2 umento mula sa Salary Standardization Law 3 para sa mga kawani ng Government Owned and Controlled Corporations o GOCCs, panggigipit sa karapatan sa CNA at pagkakait ng mga benepisyong mula sa itinakda ng batas gaya ng Magna Carta para sa Science and Technology personnel, health workers at iba pang propesyon.
"Wala na nga kami halos maiuwi sa aming pamilya dahil sa kakarampot na sweldo, pinagsasauli pa kami ng mga benepisyong tinanggap naming nuong 2008 at 2009 pa. Sobra na ang pagpapahirap sa amin ni Pangulong Aquino. Nilagpasan pa niya ang record ng mga nagdaang mga Pangulo sa pambubusabos sa mga kawani ng pamahalaan. Wala nang nalalabo sa amin kundi ang lumaban".
Bukod sa mga kawani ng NHA, DAR, DA, alahok din ang mga kawani mula sa DSWD, MMDA, DENR, National Printing Office, Sandiganbayan, Dutyfree Philippines, Customs at Immigration. Isang malaking pambansang pagkilos ang ilulunsad ng COURAGE sa Nobyembre 22 kaugnay pa rin nito. # 

No comments:

Post a Comment

Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.

Advertise on this site