DZRH Live on TV!

To enlarge the video window, right click on the image, left click ZOOM, then click on FULL SCREEN. For the audio signal only, click here
.

Citizen Journalism

DZRH opens the net to all who are willing to share in the dissemination of news from anywhere they are. You can post your news by email, using dzrhnews@gmail.com, and you may even send photos and video. Here's the link to start being the free journalist that we should all be.


Tuesday, November 20, 2012

BMP rally



Magsasagawa ng kilos protesta ngayong araw ang tinatayang dalawang daang miyembro ng militanteng grupong  Bukluran ng Manggagawang Pilipino o BMP sa Tanggapan ng department of finance o DOF at sa Senado.

Ito ay upang ipakita ang kanilang pagtutol sa kontrobersiyal na  panukalang taasan ang buwis sa ginto, "sin products" tulad ng alak at sigarilyo at text messages.

Ayon kay  BMP national president  Leody de Guzman, igigiit ng hanay ng mga  obrero ang status quo o pananatili ng kasalukuyang sistema ng pagbubuwis.

Ito ay  para bigyan-daan ang omnibus amendment o sabay-sabay na pag-amiyenda sa umiiral  na batas na may kinalaman sa pagbubuwis  bilang tugon sa constitutional provision hinggil sa  progresibong sistema ng taxation.

Dagdag pa ni de Guzman, na ang kasalukuyang sistema ng pagbubuwis  ay anti-poor at mapaniil,  dahil malaking bahagi ng kasalukuyang binubuwisan ng gobyerno ay ang suweldo ng mga manggagawa  at mga produktong binibili ng masa sa pamamagitan ng dose porsiyentong EVAT.

Dahil dito, kung sino pa aniya ang kapos sa buhay ay siya pa ang nagbabayad ng mas mataas na buwis kumpara sa iilang  mayayaman na kayang kumuha ng accountants at abugado para makaiwas sa kanilang bayarin sa buwis.

Samantala, binatikos naman ng Urban Poor leader na si Pedring Aragon, national president ng  Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod o KPML ang International Monetary Fund o IMF sa panukalang buwisan ang text message sa cellphone.
"Sent via BlackBerry from Smart"

No comments:

Post a Comment

Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.

Advertise on this site