DZRH Live on TV!

To enlarge the video window, right click on the image, left click ZOOM, then click on FULL SCREEN. For the audio signal only, click here
.

Citizen Journalism

DZRH opens the net to all who are willing to share in the dissemination of news from anywhere they are. You can post your news by email, using dzrhnews@gmail.com, and you may even send photos and video. Here's the link to start being the free journalist that we should all be.


Thursday, November 15, 2012

Palace raps UN rapporteur

UMALMA ang  Palasyo ng Malakanyang sa ulat ng United Nations rapporteur na bigo ang pamahalaang Pilipinas sa pagbaka nito sa laganap na human trafficking.
Ginawa ni Pres'l spokesperson Sec. Edwin Lacierda ang pahayag matapos kastiguhin ni UN rapporteur Joy Ngozi Ezeilo ang kakulangan ng aksyon ng Aquino administration sa human trafficking.
Hindi tama ang naging resulta ng imbestigasyon ng UN rapporteur dahil may mga hakbangin na ginagawa ang gubyerno para labanan ang human trafficking syndicates.
Sinabi ni Lacierda na mahigpit ang batas na ipinatutupad ng gubyerno laban sa human traffiicking at katanuyan bumuo pa ng Inter-Agency Council against Trafficking o IACAT na aktibo sa  pagpapalakas ng hakbangin para sugpuin ang krimeng ito.
Kaugnay nito, inihayag pa ni Lacierda na malaki ang maitutulong ng panukalang batas na inakda ni Sen. Loren Legarda para palakasin ang kampanya ng pamahalaan laban sa human trafficking.
"We continue to do measures against human trafficking," ayon pa kay Lacierda.
Sa report ni Eizelo, hindi epektibo at sustainable ang mga batas ng Pilipinas kontra sa human trafficking kung nananatiling mahirap ang mga Pilipino at walang political will ang gubyerno na sugpuin ang nasabing sindikato.
Nagbabala pa si Eizelo na mas lulubha pa ang human trafficking sa mga kababaehan at kabataan kung bigo ang gubyerno na tugunan ang brutal na praktis ng mga sindikato at protektahan ang mga ito.
Sinisisi rin ng UN human rights expert ang socio-economic conditions sa ilang lalawigan na ugat ng pagpasok ng mga kabataan at kababaehan sa labor force, prostitution at iba pa.
FLORANTE ROSALES
REPORTER/ANCHORMAN
DZRH-MBC

No comments:

Post a Comment

Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.

Advertise on this site