Sent from my BlackBerry® powered by Sun Cellular
From: Kadamay PID <kadamaypio@gmail.com>
Date: Mon, 19 Nov 2012 09:26:07 +0800
Subject: RELEASE | 'Aquino, sunud-sunuran sa dikta ng World Bank'--Kadamay
Kalipunan ng Damayang Mahihirap
RELEASE
19 Nov 2012
Sa planong pagsasapribado ng mga pampublikong ospital
'Aquino, sunud-sunuran sa dikta ng World Bank'--Kadamay
Lalahok ang grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) ngayong umaga sa pambansang pagkilos laban sa pagsasapribado ng mga pamupublikong ospital sa bansa alinsunod sa porgramang PUBLIC-PRIVATE PARTNERSHIPs (PPP) ng administrasyong Aquino.
Kasama ang mga empleyado at mga manggagawang pangkalusugan, magmamartsa patungong Mendiola mula sa DOH ang grupo upang manawagan sa gubyerno na itgil na ang pagiging sunud-sunran nito sa dikta ng World Bank, na anilay naglalangay sa alanganin sa buhay ng mga maralita nating kababayan.
Ayon sa grupo, "Dikta ng World Bank (WB) ang pribatisasyon ng serbisyong pangkalusugan. Nakasaad ito sa 1993 WB report na "Investing in Health" bilang bahagi ng Structural Adjustment Program (SAP). Itinutulak ng WB sa gubyerno bilang bahagi ng mga kondisyon sa papapautang ang mga sumusunod: 1) magbawas ng pampublikong gastusin sa mga pasilidad (tertiary), pagsasanay (specialist) at interbensyong pangkalusugan; 2) mag-promote ng pribadong mangagapital para sa essential clinical services, user-fee health services and privately managed health insurance; at 3) pag-enganyo sa mga pribadong supplier para makipag-compete sa pagbibigay ng klinical at pampublikong serbisyong pangkalusugan.
Dagdag ng Kadamay, "Ikamamatay ng maraming mahihirap na pasyente ang planong pagtalikod ng gubyerno sa responsibilidad nitong tugunan ang pangangailangang medikal ng mamamayan."
Sa datos ng Health Alliance for Democracy, 6 sa 10 maralitang pasyente ang namamatay ng walang natatatanggap ne serbisyong medikal. Lalaki pa umano ito ayon sa Kadamay kapag natuloy na ang nakaambang pribatisasyon ng mga ospital, at pagtataas ng mga serbisyo.
"Ang Universal Health Care (UHC) o Kalusugang Pangkalahatan ng adminsitrasyong Aquino ay nagbabalatkayong nagbibigay serbisyo sa mga mahihirap, upang mapagtakpan ang masamang epekto ng PPP," dagdag ng grupo.
Plano umano ng rehimeng Aquino sa taon 2014 hindi na maglalaan ng badyet sa maintenance & other operating expenses (MOOE) ng mga pampublikong ospital at sa 2020 aalisin na din ang badyet para sa personal services. Sa pagbabawas ng badyet kasabay nito pinapalawak ang paniningil ng serbisyong pangkalusugan at pinabibilis ang pagpapasok ng pribadong kapital sa pamamagitan ng PPP at korporatisasyon.
Ayon sa Kadamay, wala maaasahan ang mamamayan sa gubyernong Aquino sa pagiging sunud-sunuran nito sa mga kapitalista at pagtataguyod sa dayuhang interes sa halip na interes ng nakararaming mamamayan.
Masusundan pa umano ang malaking pagkilos ngayong araw hangga't hindi pinapansin ng gubyerno ang kahilingan ng mamamyan. ###
Reference: Carlito Badion, Kadamay national secretary-general, 0939.387.3736
No comments:
Post a Comment
Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.