HINAMON NI BAYANMUNA REP. TEDDY CASIÑO ANG MGA KONGRESISTANG BUMUBUO SA HOUSE COMMITTEE ON PUBLIC INFORMATION NA MAGPAKALALAKI SA NAKATAKDANG PAGTALAKAY SA FREEDOM OF INFORMATION BILL BUKAS.
AYON KAY CASIÑO, DAPAT APRUBAHAN ANG FOI BILL KAHIT IKAGALIT PA ITO NI PANG. NOYNOY AQUINO NA HALATA NAMAN ANYANG MALAMIG SA PANUKALA.
SABI PA NG MAMBABATAS, HINDI NAMAN LINGID SA KAALAMAN NG MARAMI NA ISA ITO SA MGA DAHILAN KUNG BAKIT HINDI NAKASAMA SA SENATORIAL SLATE NG LIBERAL PARTY ANG PANGUNAHING MAY-AKDA NG FOI BILL NA SI HOUSE DEPUTY SPEAKER ERIN TAÑADA.
GIIT NI CASIÑO, HINDI DAPAT IKATAKOT PARTIKULAR NG CHAIRMAN NG KUMITE NA SI EASTERN SAMAR REP. BEN EVARDONE ANG KAWALAN NG SUPORTA NG PANGULO PARA MAISULONG ANG BILL.
BINIGYANG DIIN NITO NA MAS MAAALALA NG PUBLIKO KUNG PANININDIGAN NG MGA MAMBABATAS NA MAIPASA ANG ISANG BATAS PARA SA GOOD GOVERNANCE AT TRANSPARENCY.
14-day mortuary leave sa mga empleyado, isinusulong sa kamara…
PINAMAMADALI NI DEPUTY SPEAKER PABLO GARCIA SA HOUSE COMMITTEE ON LABOR AND EMPLOYMENT ANG PAGTALAKAY SA KANYANG INIHAING PANUKALA NA MAGBIBIGAY NG 14 NA ARAW NA MORTUARY LEAVE SA MGA EMPLEYADO NG GOBYERNO AT PRIBADONG SEKTOR.
SA ILALIM NG HOUSE BILL 3762, BUO PA RIN ANG SAHOD NG MGA KAWANI KAHIT NAKABAKASYON ANG MGA ITO SA PANAHONG MERONG NAMATAY NA MIYEMBRO NG KANILANG PAMILYA. (1ST DEGREE)
UMAASA SI GARCIA NA MAIPAPASA NA NGAYONG 15TH CONGRESS ANG PANUKALA NA HALOS DALAWANG TAON NANG NAKABINBIN SA KUMITE.
IGINIIT NG MAMBABATAS NA TRADISYON NG PAMILYANG PILIPINO NA MAGKAKASAMANG NAGDADALAMHATI KAPAG MAY NASAWI SA PAMILYA.
SUBALI'T DAHIL HINDI KASAMA ANG MORTUARY LEAVE SA AUTHORIZED LEAVES NG MGA EMPLEYADO AY NAPIPILITAN ANG MGA ITONG MAG-ABSENT SA TRABAHO.
Pagbabawal ng SC sa live coverage sa hearing ng Maguindanao massacre, inalmahan sa kamara…
HINDI SANG-AYON ANG ILANG MAMBABATAS SA DESISYON NG KORTE SUPREMA NA IPAGBAWAL ANG LIVE MEDIA COVERAGE SA PAGDINIG NG MAGUINDANAO MASSACRE.
AYON KAY BAYANMUNA REP. NERI COLMENARES, ISANG MALAKING DAGOK ANG PASYA NG KATAAS-TAASANG HUKUMAN SA PAMILYA NG MGA BIKTIMA NA UMAASANG TUTUTUKAN NG MEDIA ANG PAGDINIG UPANG HINDI MAKALIMUTAN HANGGANG SA MAKAMIT ANG HUSTISYA.
GIIT NI COLMENARES, ANG KASO NG MAGUINDANAO MASSACRE AY ISANG 'PUBLIC INTEREST' NA SINUSUBAYBAYAN ANG TAKBO NG PAGLILITIS, HINDI LAMANG SA PILIPINAS KUNDI NG INTERNATIONAL COMMUNITY.
SINABI NAMAN NI GABRIELA REP. LUZ ILAGAN NA LIHIS SA ISINUSULONG NA TRANSPARENCY NG AQUINO ADMINISTRATION ANG BAN SA LIVE MEDIA COVERAGE SA NATURANG PAGLILITIS.
ANIYA, MGA NOTORYUS NA PERSONALIDAD ANG SANGKOT SA KARUMAL-DUMAL NA KRIMEN AT MGA MEDIA ANG BIKTIMA KAYA KAILANGANG ISAPUBLIKO ANG PAGDINIG SA KASO.
PANGAMBA PA NI ILAGAN, HINDI MALAYONG MAGKAROON NG COVER-UP KUNG HINDI NA MAMO-MONITOR NG MEDIA ANG HARINGS.
BUNSOD NITO, HINIMOK NG MGA MAMBABATAS ANG KORTE SUPREMA NA I-REKUNSIDERA ANG PAGBABAWAL SA LIVE MEDIA COVERAGE SA MAGUINDANAO MASSACRE TRIAL.
No comments:
Post a Comment
Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.