DZRH Live on TV!

To enlarge the video window, right click on the image, left click ZOOM, then click on FULL SCREEN. For the audio signal only, click here
.

Citizen Journalism

DZRH opens the net to all who are willing to share in the dissemination of news from anywhere they are. You can post your news by email, using dzrhnews@gmail.com, and you may even send photos and video. Here's the link to start being the free journalist that we should all be.


Monday, November 12, 2012

PNoy, anti-death penalty

FLORANTE////NOV122012 
SA KABILA NG SUNOD-SUNOD NA KRIMINALIDAD, HINDI PA RIN NATITINAG SA PANININDIGAN SI PANGULONG NOYNOY AQUINO NA HUWAG IPATUPAD ANG DEATH PENALTY SA BANSA.
 
GINAWA NI PRES'L SPOKESMAN SEC. EDWIN LACIERDA ANG PAHAYAG SA GITNA NG UMIIGTING NA PANAWAGAN NG VOLUNTEERS AGAINST CRIME AND CORRUPTION AT IBA PANG SEKTOR NA IBALIK ANG PARUSANG BITAY SA MGA KARUMAL-DUMAL NA KRIMEN.
 
BINALEWALA NI LACIERDA ANG APELA NG MGA BIKTIMA NG SUNOD-SUNOD NA KRIMEN SA BANSA, GAYA NG PAGPATAY SA UST CUMLAUDE NA SI CYRISH MAGALANG, RAPE-SLAY SA ISANG BABAE SA ISABELA, PAGDUKOT AT PAGPATAY SA TALENT NG ISANG TV NETWORK NA SI JULIANN RODELAS AT ANG MASAKER SA ISANG PAMILYA SA STA.CRUZ, MAYNILA.
 
SINABI NI LACIERDA NA NANINIWALA PA RIN ANG PANGULO NA HINDI SAGOT ANG DEATH PENALTY SA PAGSUGPO NG MGA KARUMAL-DUMAL NA KRIMEN KUNDI ANG MAS PINA-IGTING NA POLICE VISIBILITY AT MABILIS NA PROSESO NG JUSTICE SYSTEM.
 
KAUGNAY NITO, HINDI AGAD NASAGOT NI LACIERDA ANG TANONG KUNG KUNTENTO ANG PALASYO NG MALAKANYANG SA TRABAHO NI  PNP CHIEF DIR. GEN. NICANOR BARTOLOME.
 
SA KABILANG DAKO, PINAPURIHAN NI LACIERDA ANG PAGPAPATUPAD NI DILG SEC. MAR ROXAS NG MGA REPORMA SA PNP UPANG MAS MAGING EPEKTIBO ANG PAGPIGIL SA MGA INSIDENTE NG KARAHASAN SA BANSA.

Sent from my BlackBerry® powered by Sun Cellular

No comments:

Post a Comment

Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.

Advertise on this site