Sent from my BlackBerry® powered by Sun Cellular
From: Mike Garay <bukluran@yahoo.com>
Date: Mon, 19 Nov 2012 03:45:14 +0800 (SGT)
To: mike garay<bukluran@yahoo.com>
ReplyTo: Mike Garay <bukluran@yahoo.com>
Subject: Radio/Tabloid Release on Taxes Nov19, BMP (Bukluran ng Manggagawang Pilipino - National)
RADIO/TABLOID RELEASE
November 19, 2012
Contact person: Leody de Guzman 09205200672
BMP National President
Piket ng Manggagawa sa Finance Dep't at Senado:
Hindi Bagong Buwis kundi Bagong Sistema sa Pagbubuwis!
Reporma tungo sa Progressive, 'di Regressive Taxation!
SUSUGURIN ng may 150 manggagawa't maralita ang mga opisina ngayong tanghali bilang protesta sa mga panukalang bagong buwis at reaksyon sa mga kontrobersya sa likod ng buwis sa ginto, text messages at mga "sin products".
Ayon kay Leody de Guzman, Pambansang Pangulo ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), "Minamadali ng gobyerno ang pagpapataw ng bagong buwis. Gayong ang kailangan ay bagong sistema ng pagbubuwis na mas pinapasan ng mga may-kaya, hindi ng ordinaryong Pilipino".
"Sobra na! Maliit na nga ang sweldo; kinakaltasan pa ng withholding tax. At ang natitirang take-home pay kapag ipinambili ng pangangailangan ay papatawan pa ng 12% EVAT!", paliwanag ni de Guzman.
Aniya, "Tama na! Nagkukumahog ang gobyernong Aquino na magdagdag ng bagong buwis imbes na ipataw ang status quo para sa malawakang pagrerebyu ng batas sa pagbubuwis sa bansa. Dahil mas inuna ang bagong buwis kaysa sa bagong taxation system para pagaanin ang pasanin ng mga mahihirap, sapat na ito para husgahan nating peke ang ipinagmamalaking tuwid na daan ng rehimen".
Dagdag ng lider-manggagawa, "Palitan na! Baguhin ang sistema sa pagbubuwis. Ipatupad ang tax reform upang sundin ang Konstitusyon para sa progressive taxation (Article 6, Section 28). Those who have less in life should have less in taxes! Magagawa ito kung ang buwis ay mas nakabatay sa kita at ari-arian kaysa sa pagkonsumo."
Samantala, nagrehistro naman ng kondemnasyon si Pedring Fadrigon, Pambansang Pangulo ng KPML sa buwis sa pagtetext na pinanukala ng International Monetary Fund (IMF). Aniya, "Walang pakialam ang IMF kung mamutla na ang taumbayan sa samut-saring buwis na pinapataw sa kanya. Dahil dito umuutang ang bansa, ang nais niya lang ay magkaroon ng pondo ang gobyerno para tustusan ang debt servicing at debt payments. Sinumang umayon sa kanila ay tuta ng mga dayuhang bangko at institusyong pinansyal!"
Samantala, sa magaganap na protesta, nagbitbit ng plakard at nagsuot ng mga maskara ang mga manggagawa na may mga islogang "No to New Taxes", "Tax Reform Now", "Tax sa Mahihirap, Buwis-it!", "Kaltas sa Sahod, Buwis-it", at "Tax the Rich, Not the Poor". Magtitipon ang BMP sa opisina ng Kagawaran ng Pinansya bandang tanghali at magmamartsa patungong Senado. #
No comments:
Post a Comment
Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.