ITO ANG IGINIIT NINA CAVITE REP. ELPIDIO BARZAGA AT ILIGAN CITY REP. VICENTE BELMONTE SA INIHAING HOUSE BILL 3990 NA MAG-AAMYENDA SA COMPREHENSIVE DANGEROUS DRUGS ACT OF 2012.
SA ILALIM NG PANUKALA, MAHAHARAP SA MAS MAHABANG PAGKABILANGGO AT PAGKASIBAK SA SERBISYO ANG MGA ADIK NA PULIS, SUNDALO AT IBA PANG LAW ENFORCERS.
SINABI NINA BARZAGA AT BELMONTE NA RESPONSIBILIDAD NG MGA LAW ENFORCER NA IPATUPAD ANG BATAS KAYA WALA SILANG MAAARING IDAHILAN PARA LUMABAG DITO.
AYON PA SA MGA MAMBABATAS, HINDI DAPAT PALAMPASIN ANG PAGGAMIT NG ILIGAL NA DROGA NG MGA ALAGAD NG BATAS DAHIL MAAPEKTUHAN ANG PAGTINGIN NG PUBLIKO SA INTEGRIDAD NG BUONG LAW ENFORCEMENT BODY.
No comments:
Post a Comment
Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.