DZRH Live on TV!

To enlarge the video window, right click on the image, left click ZOOM, then click on FULL SCREEN. For the audio signal only, click here
.

Citizen Journalism

DZRH opens the net to all who are willing to share in the dissemination of news from anywhere they are. You can post your news by email, using dzrhnews@gmail.com, and you may even send photos and video. Here's the link to start being the free journalist that we should all be.


Thursday, November 1, 2012

Palasyo, pinakikilos ang DFA sa kasong drug smuggling ng isang Pinay sa Vietnam!

FLORANTE///NOV012012 PINAKIKILOS ng Palasyo ng Malakanyang ang DFA para tulungan ang isang Pinay na nasentensyahan ng death penalty sa Vietnam dahil sa drug smuggling. Ayon kay Dep. Pres'l Spokesperson Abigail Valte, may 15 araw pa ang gubyerno para iapela sa Vietnamese court ang kaso ng ating kababayan.
Inihayag pa ni Valte na magbibigay ang DFA ng legal assistance sa nasabing Pinay. Bukod dito, bibisitahin din ng mga tauhan ng embahada sa Vietnam ang kababayan nating nahatulan ng bitay upang malaman ang kundisyon nya.
"Ito po ang pino-provide na standard assistance ng ating embajada: una, 'yung legal assistance kung kailangan po; at, pangalawa, binibisita po 'yan, 'yung mga consular visits po ng ating mga kasamahan sa ating mga embajada to their places of detention and our officials also act as the conduit between whoever is detained and their families—either in the same country or back here at home. So 'yun po 'yung the kind of assistance that we continue to provide for them," dagdag pa ni Valte.
Muling nakiusap ang Malakanyang sa mga OFWs na mag-ingat sa pagpasok sa sindikato ng droga o kaya ay tumanggap ng pakisuyo o padala ng mga kapwa Pinoy sa abroad. Nauna rito, tatlong Pinoy sa China ang binitay dahil sa pagtutulak ng illegal drugs o pgiging drug courriers. #30#
Sent from my BlackBerry® powered by Sun Cellular

No comments:

Post a Comment

Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.

Advertise on this site