DISMAYADO ANG MALAKANYANG SA DESISYON NG SUPREME COURT NA IPAGBAWAL ANG LIVE MEDIA COVERAGE SA MAGUINDANAO MASSACRE.
ITO ANG INIHAYAG NI PRES'L SPOKESMAN SEC. EDWIN LACIERDA SA PAGBALIGTAD NG KORTE SUPREMA SA NAUNANG DESISYON NA PAHINTULUTAN ANG LIVE MEDIA COVERAGE.
AYON KAY LACIERDA, MAGSISILBING MALAKING HAMON SA HUDIKATURA NA MAPABILIS ANG ISINASAGAWANG TRIAL SA MAGUINDANAO MASSACRE NA DAWIT ANG PAMILYANG AMPATUAN.
SINABI NI LACIERDA NA PABOR SI PANG. AQUINO NA MAGKAROON NG LIVE MEDIA COVERAGE SA AMPATUAN MASSACRE PARA MALAMAN NG PUBLIKO ANG TOTOONG PANGYAYARI SA KARUMAL-DUMAL NA KIMEN.
NAUNA RITO, PINAYAGAN NG SUPREME COURT ANG PETISYON NG PAMILYANG AMPATUAN NA ITIGIL ANG LIVE MEDIA COVERAGE SA PAGLILITIS NG KANILANG KASO.
VC: LACIERDA
FLORANTE ROSALES
REPORTER/ANCHORMAN
DZRH-MBC
REPORTER/ANCHORMAN
DZRH-MBC
No comments:
Post a Comment
Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.