Sent from my BlackBerry® powered by Sun Cellular
From: FLORANTE ROSALES <dzrh21@yahoo.com>
Date: Wed, 14 Nov 2012 23:50:26 -0800 (PST)
To: f.rosales@mbcradio.net<f.rosales@mbcradio.net>; pilipinomirror12@gmail.com<pilipinomirror12@gmail.com>
ReplyTo: FLORANTE ROSALES <dzrh21@yahoo.com>
Cc: vicky.mirror@gmail.com<vicky.mirror@gmail.com>; anafederanga@gmail.com<anafederanga@gmail.com>
Subject: PNoy, umupak sa media
FLORANTE/////NOV152012
NAGPASARING si Pangulong Aquino sa mga kagawad ng media sa pagdalo nito sa
Ika-38th top level management conference ng KBP sa Tagaytay City.
Sa talumpati ni Pangulong Noynoy Aquino, hindi naiwasan ng chief executive na punahin ang mistulang "allergic" ng media sa magagandang balita sa kanyang administrasyon.
Inihayag ng Pangulo na hindi gaanong pinapansin ng media ang mga good news na natatamo ng pamahalaan at panay batikos o masasamang balita ang kanyang naririnig sa radyo at telebisyon.
Iginiit pa ni PNoy na mistulang nakasanayan na ng media ang pagrereport ng masamang balita at batikos sa kanyang adminsitrasyon pero hindi napagtuunang pansin ang pagiging emerging asian tiger ng Pilipinas.
Kaugnay nito, umapela si Pangulong Aquino sa mga opisyal ng KBP na isama sa kanilang newscast ang mga good news ng pamahalaan para malaman ng taumbayan ang ginagawa ng kanyang administrasyon.
.
FLORANTE ROSALES
REPORTER/ANCHORMAN
DZRH-MBC
REPORTER/ANCHORMAN
DZRH-MBC
No comments:
Post a Comment
Site visitors can use the comment form to send their email messages to anyone at DZRH. As your messages will go to a single secure email address, please INDICATE TO WHOM your message is for. Thank you.